Pansamantalang ipinatigil ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nakatakdang rehabilitasyon ng EDSA upang bigyang-daan ang muling pag-aaral ng proyekto gamit ang makabago at mas mabisang teknolohiya. Ayon sa Pangulo, layunin ng hakbang na ito na mapabilis ang konstruksyon habang binabawasan ang abala sa mga motorista at commuter.
Sinabi rin ni Marcos na mahalagang ikonsidera ang mga makabagong pamamaraan sa imprastruktura upang hindi maapektuhan nang labis ang daloy ng trapiko sa isa sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila.
Samantala, ipinahayag ng ilang commuter ang kanilang pasasalamat sa gobyerno dahil sa pagpapatupad ng Family Pass 1+3 Promo, kung saan tatlong miyembro ng pamilya ang maaaring makalibre ng sakay kapag may kasamang isang nagbabayad ng regular na pamasahe. Malaking ginhawa umano ito para sa mga pamilyang sabay-sabay na bumibiyahe lalo na ngayong panahon ng tag-init at bakasyon.
0 Comments