Ticker

6/recent/ticker-posts

Makabayan Bloc, Nanawagan ng Imbestigasyon sa NAIA Privatization

Naghain ng House Resolution No. 2316 ang mga mambabatas mula sa Makabayan bloc na humihimok sa House Committee on Transportation na agarang magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa pribatisasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa posibleng negatibong epekto nito sa publiko.

Ayon sa mga miyembro ng bloc, mahalagang matukoy kung paano maaapektuhan ang mga ordinaryong mamamayan ng nasabing hakbang, partikular sa usapin ng singil sa serbisyo, accessibility, at seguridad. Naniniwala sila na dapat itong masusing pag-aralan upang matiyak na hindi malalagay sa alanganin ang interes ng publiko sa harap ng pribadong pamamahala ng pangunahing paliparan ng bansa.

Post a Comment

0 Comments