Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) Region 11 na kasalukuyan nilang hinahabol at iniimbestigahan ang dalawang pangunahing suspek na pinaghihinalaang may-ari ng nasa ₱23 milyong halaga ng ilegal na droga na nasabat sa Barangay Cabantian.
Ayon sa NBI-11, mabilis nilang isinagawa ang buy-bust operation na nagresulta sa malaking halaga ng shabu na nasabat. Batay sa mga nakalap na ebidensya, natukoy na ang dalawang indibidwal ang maaaring may responsibilidad sa ilegal na kalakalan ng droga sa lugar.
Sinabi ng opsesyal na ahensya na ang kasalukuyang hakbang ay bahagi ng malawakang operasyon laban sa iligal na droga, na sumasaklaw sa pagkolekta ng testimonya, surveillance, at pagkalap ng dokumento upang mapatunayan ang pagkakasangkot ng mga suspek.
Pinaliwanag rin ng NBI-11 na ang pagpapatuloy ng kanilang operasyon ay mahalaga upang tuluyang masuspinde ang aktibidad ng sindikato at maiwasan ang pagkalat ng droga sa komunidad. Hinihikayat nila ang mga mamamayan na makipag-cooperate, magbigay ng impormasyon, at makipagtulungan upang tuluyang maaksiyonan ang naturang kaso.
0 Comments