Ipinahayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang kanyang matibay na desisyon na sampahan ng kasong kriminal ang isang bus conductor na umano’y gumamit ng taser laban sa isang person with disability (PWD).
Ayon kay Dizon, hindi katanggap-tanggap ang ganitong klaseng karahasan lalo na sa mga may kapansanan, at dapat itong papanagutin sa ilalim ng batas. Iniutos niya rin ang agarang imbestigasyon sa insidente at hinikayat ang mga testigo na lumantad upang makatulong sa pag-usad ng kaso.
Iginiit ng kalihim na dapat maging ligtas at may dignidad ang pampublikong transportasyon para sa lahat, lalo na sa mga vulnerable sectors gaya ng mga PWD. Patuloy rin umano ang DOTr sa pagtutulak ng mahigpit na panuntunan at training sa mga transport workers upang maiwasan ang ganitong insidente.
0 Comments