Alok na Posisyon ng Palasyo kay ex-PNP Chief Torre, Wala pang Linaw
Nanatiling pending ang alok na posisyon ng Malacañang kay dating Philippine National Police (PNP) Chief General Nicolas Torre.
Matatandaang inanunsyo ng Palasyo na may bagong tungkulin na nakalaan para kay Torre at hinihintay na lamang ang kanyang pagpayag, ngunit hanggang sa ngayon ay wala pang pinal na anunsyo hinggil dito.
Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro, hinihintay pa rin nila kung ano ang magiging desisyon ng Pangulo kaugnay sa naturang alok.
Matatandaan din na tinanggal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Torre bilang hepe ng PNP matapos itong sumalungat sa desisyon ng National Police Commission (NAPOLCOM).
Samantala, inamin ni Torre na pinag-iisipan pa niyang mag-early retirement.

Comments
Post a Comment