Header Ads Widget

Isang Residente Ng Magsaysay, Davao Del Sur, Positibo Sa Mpox



Isang kaso ng Monkeypox (MPOX) ang naitala sa Magsaysay, Davao del Sur.

Kinumpirma ng Municipal Health Office ng Magsaysay na ang pasyente ay residente ng Barangay Upper Bala. Kasalukuyang naka-isolate at mino-monitor ng mga health officials ang pasyente at ang kanyang pamilya.

Nagpaalala ang MHO Magsaysay sa publiko na maging maingat sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang upang makaiwas sa MPOX tulad ng:



Madalas na paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol/sanitizer.

Pag-iwas sa mataong lugar.

Pag-iwas sa direktang kontak sa balat ng ibang tao.

Pagsusuot ng proteksyon tulad ng facemask, long sleeves, pantalon, at iba pa kapag nasa pampublikong lugar.

Kung nakakaramdam ng anumang sintomas, pinapayuhan ang publiko na agad lumapit sa mga doktor, nurse, midwife, o barangay health worker (BHW) sa kanilang lugar.

Post a Comment

0 Comments