AMA, TINAGA NG SARILING ANAK SA MATI CITY
Patay ang isang ama matapos siyang tagain ng sarili niyang anak sa Purok Daisy 1, Barangay Sainz, Mati City, kamakailan.
Kinilala ng Mati City Police Station ang biktima bilang si alyas Macario, 62-anyos, habang ang suspek ay si Romeo, na parehong residente ng naturang lugar.
Ayon sa pulisya, inamin ng suspek na gumagamit siya ng ilegal na droga, dahilan umano kung bakit niya nagawa ang krimen.
Sa ngayon, nakakulong na ang suspek sa Mati City Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong kaugnay sa pagpatay.

Comments
Post a Comment