Nabigo si Senador Imee Marcos Jr. na makabisita kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa loob ng kanyang detention cell sa ICC.
Kasama ni Marcos si VP Sara Duterte at ang ina ng bise presidente na si Elizabeth Zimmerman na bumisita muna sa Qatar bago lumipad patungong The Hague, Netherlands para bisitahin ang dating pangulo.
Sa kabila nito, nakapasok naman ang bise presidente at ang unang asawa ni dating Pangulong Duterte na si Elizabeth Zimmerman.
Ayon sa ulat, masayang naghihintay ang dating pangulo sa pagdating nila sa kanyang detention facility.
Ginawa ang pagbisita ni VP Sara bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang ama.
Nagsalita rin ang bise presidente sa mga tagasuporta at taos-pusong nagpasalamat sa kanilang walang sawang suporta sa kanilang pamilya.
Mananatili si VP Sara sa The Hague hanggang Hunyo 4, na siyang araw ng kanyang pagbalik sa bansa.
0 Comments