Naghain ng urgent motion ang Bagong Henerasyon party-list upang hilingin ang agarang proklamasyon ng kanilang kinatawan sa Kongreso. Ito ay matapos ang pansamantalang suspensyon ng proklamasyon na ipinataw ng Commission on Elections (Comelec), kaugnay ng mga nakabinbing disqualification petitions laban sa kanila.
Kasama sa naunang sinuspinde ang Duterte Youth party-list, na tulad ng Bagong Henerasyon ay nahaharap sa mga kasong kumukuwestiyon sa kanilang kwalipikasyon at pagsunod sa mga itinakdang requirements para sa mga party-list group.
Ayon sa Bagong Henerasyon, ang kanilang urgent motion ay isang hakbang upang igiit ang kanilang karapatang maupo sa puwesto habang wala pang pinal na desisyon ang Comelec sa mga kasong isinampa laban sa kanila. Iginiit din nila na ang pagkaantala ng proklamasyon ay nagdudulot ng kawalan ng representasyon sa kanilang mga sektor, taliwas sa layunin ng party-list system.
Tiniyak naman ng Comelec na isinasailalim sa masusing pag-aaral ang lahat ng nakabinbing petisyon at ang kanilang desisyon ay ibabatay sa legal na merito ng bawat kaso upang matiyak na ang mga uupong kinatawan ay tunay na kwalipikado at sumusunod sa batas.
0 Comments