Ticker

6/recent/ticker-posts

Atin Ito: Ikatlong Civilian Mission sa West Philippine Sea, Ikakasa na sa Mayo 26–30

Ikakasa na ng Atin Ito Coalition ang kanilang ikatlong civilian mission sa West Philippine Sea (WPS) mula Lunes, Mayo 26 hanggang Mayo 30. Layunin ng misyon na ipakita ang mapayapang paninindigan ng mga Pilipino sa paggiit ng karapatan ng bansa sa WPS, gayundin ang pagbibigay suporta sa mga lokal na mangingisdang Pilipino na patuloy na humaharap sa tensyon sa karagatan.

Tampok sa misyon ang paglalayag ng convoy patungong Pag-asa Island, ang pagkakaroon ng mga aktibidad gaya ng Concert at Sea for Peace, at ang pamamahagi ng tulong sa mga komunidad sa baybaying bahagi ng Palawan. Lalahok din sa misyon ang mga local at international artists upang maghatid ng mensahe ng pagkakaisa, kapayapaan, at suporta sa soberanya ng Pilipinas.

Bagamat sibilyan ang inisyatiba, tiniyak ng pamahalaan ang seguridad ng mga kalahok sa pamamagitan ng pagbibigay ng escort vessels para sa convoy.

Ayon sa mga tagapagtaguyod ng Atin Ito, ang misyon ay hindi lamang paglalayag, kundi isang simbolikong hakbang upang ipahayag ang pambansang pagkakaisa at pagtutol sa anumang uri ng panggigipit sa ating karagatan.

Post a Comment

0 Comments