Kumpiyansa si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na hindi pwedeng isawalang-bahala ang puwersa ng Duterte bloc sa ika-20 Kongreso.
Ayon kay Dela Rosa, lima na ngayon ang kumpirmadong miyembro ng Duterte bloc sa Senado.
Binubuo umano ito nina Senador Dela Rosa, Senador Robin Padilla, Senador Christopher “Bong” Go, Senator-elect Rodante Marcoleta, at si Senador Imee Marcos, kapatid ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon pa kay Dela Rosa, ang lumalakas na puwersa ng Duterte bloc ay “worth considering” o dapat isaalang-alang, at dahil lumalaki ang kanilang grupo, hindi raw ito dapat balewalain.
Nilinaw rin ni Dela Rosa na wala silang aktibong pagrerekrut para sa Duterte bloc — kusa raw naghayag ng intensyon si Sen. Imee Marcos na sumama sa grupo para sa susunod na Kongreso.
0 Comments