Header Ads Widget

3 MIYEMBRO NG LGBT ANG NAGPATULI, NAKATANGGAP NG 10K



Tatlong miyembro ng LGBTQ ang tumanggap ng tig-10,000 pesos matapos silang sumali sa kampanya ng Lapu-Lapu LGU na may pamagat na “Walay Apo ni Lapu-Lapu nga Pisot.”

Ayon sa social media post ni Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan, tinanggap ng tatlong LGBTQ members na sina Alyas Inday, Alyas BekBek, at Alyas Jennifer na may edad na 22, 26, at 35 at pawang mga residente ng Sitio Sudtunggan, Barangay Basak — ang halagang 10,000 pesos matapos matagumpay na magpatuli.

Ayon sa mga doktor, ang pagtutuli ay may maraming benepisyo sa kalusugan gaya ng pag-iwas sa UTI, STIs, o penile cancer.

Post a Comment

0 Comments