Header Ads Widget

6 NA BARANGAY SA GENSAN ANG NASA PANGANIB NA TAMAAN NG TSUNAMI



Anim na barangay sa lungsod ng General Santos ang itinuturing na tsunami-prone o delikado sa tama ng tsunami.

Ayon kay Dr. Bong Dacera, hepe ng City Disaster and Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ng GenSan, kabilang sa mga posibleng tamaan ng tsunami ang Barangay West, Baluan, Bula, Labangal, South, at Buayan.

Ibinunyag ng opisyal na ang mga nabanggit na lugar ay nasa tabi ng baybayin, kaya’t mataas ang posibilidad na maapektuhan sakaling magkaroon ng tsunami.

Dagdag pa ng opisyal, may mga nakatalagang tauhan na regular na nagbabantay sa baybayin upang obserbahan ang anumang lindol o pagyanig na maaaring magdulot ng tsunami.

Ipinaliwanag rin niya na kung sakaling umurong ang tubig-dagat palayo sa baybayin, indikasyon ito na maaaring may paparating na tsunami.

Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ni Dr. Bong Dacera ang mga residente ng naturang mga lugar na alamin ang kinaroroonan ng mga evacuation center upang maging handa sakaling magkaroon ng tsunami.

Post a Comment

0 Comments