Tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) na walang "VIP treatment" na ipagkakaloob kay dismissed Congressman Arnolfo Teves habang siya'y naka-detine.
Ito ay matapos siyang ilipat sa Building 14, na ngayon ay isang detention facility ng NBI sa Bilibid, Muntinlupa City.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, may isang silid na pansamantalang tutuluyan si Teves, ngunit hindi ito nangangahulugang may espesyal na pagtrato sa kanya kumpara sa iba pang mga bilanggo sa nasabing pasilidad.
0 Comments