Kinumpirma ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy para sa West Philippine Sea, na walang naiulat na pinsala ang barko ng China na nabalahaw kamakailan sa bahagi ng Pag-asa Reef. Ayon kay Trinidad, base sa impormasyong natanggap ng hukbong dagat, ligtas ang naturang barko at wala ring naiulat na insidente ng oil spill o iba pang uri ng panganib sa kapaligiran.
Dagdag pa ni Trinidad, patuloy ang pagmamatyag ng Philippine Navy sa lugar upang matiyak ang seguridad at mapanatili ang kapayapaan sa nasabing bahagi ng West Philippine Sea. Bagaman wala umanong tensyong naganap kasunod ng insidente, sinabi ng opisyal na nananatiling alerto ang kanilang puwersa sa anumang posibleng pagbabago sa sitwasyon.
Ang Pag-asa Reef ay bahagi ng Kalayaan Island Group na inaangkin ng Pilipinas at bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa. Patuloy na naninindigan ang Pilipinas sa karapatan nito sa naturang teritoryo alinsunod sa international law, partikular sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
0 Comments