Inaasahang magiging masalimuot at mainit ang mga susunod na sesyon sa Senado bago ito tuluyang mag-convene bilang isang impeachment court para sa nakaambang paglilitis kay Vice President Sara Duterte. Ayon sa mga mambabatas, maraming mahahalagang isyu ang kinakailangang pag-usapan, linawin, at pagdebatihan upang matiyak ang kaayusan at pagiging patas ng proseso.
Kabilang sa mga pangunahing tatalakayin ay ang mga patakaran ng impeachment proceedings, pagtalaga ng mga opisyal na gagampan sa paglilitis, at ang pagsasaalang-alang sa mga ebidensyang ihahain ng magkabilang panig. Bukod dito, may ilang senador rin ang nagsusulong ng pagrepaso sa umiiral na impeachment rules upang ito'y maging mas naaayon sa kasalukuyang mga pangyayari.
Nanindigan naman ang liderato ng Senado na sisiguruhin nilang magiging makatarungan ang proseso at hindi ito gagamitin sa anumang layuning pampulitika. Hinihimok din nila ang publiko na manatiling mapanuri ngunit bukas ang isipan habang umuusad ang mga talakayan sa mataas na kapulungan.
0 Comments