Ticker

6/recent/ticker-posts

PBBM Iniutos ang Imbestigasyon sa Kakulangan ng Tubig sa mga Paaralan


 Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Local Water Utilities Administration (LWUA) na magsagawa ng agarang imbestigasyon sa kakulangan ng suplay ng tubig sa ilang pampublikong paaralan, partikular sa lalawigan ng Bulacan. Ang utos ay ibinaba matapos personal na makita ng Pangulo ang epekto ng kawalan ng tubig sa Tibagan Elementary School sa San Miguel.

Binanggit na dapat magsumite ang LWUA ng paunang ulat sa loob ng 48 oras upang malaman kung sino ang may pananagutan at kung anong mga hakbang ang dapat isagawa upang maresolba ang problema bago magsimula ang klase.

Nakita rin ni Pangulong Marcos ang kalagayan ng mga lumang "Marcos-type" school buildings na matagal nang hindi naisaayos. Inatasan din niya ang mga kaukulang ahensya na tugunan ang pangangailangan para sa rehabilitasyon ng mga ito, lalo na’t apektado ang mga silid-aralan at comfort room sa kakulangan ng tubig.

Layunin ng hakbang na ito na tiyakin na ang mga estudyante ay magkakaroon ng maayos at ligtas na kapaligiran sa kanilang pag-aaral.

Post a Comment

0 Comments