Mariing ipinahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III na hindi palalagpasin ang sinumang miyembro ng pulisya na lalabag sa karapatang pantao. Aniya, walang sinuman—kahit gaano pa kataas ang ranggo—ang ligtas sa pananagutan kapag napatunayang lumabag sa batas o umabuso sa kapangyarihan.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, iginiit ni Torre na paiigtingin pa ang disiplina at integridad sa hanay ng kapulisan. Dagdag pa niya, magsisilbing paalala ito sa lahat ng pulis na ang kanilang tungkulin ay protektahan ang mamamayan, hindi ang abusuhin ang kanilang otoridad. Patuloy rin umano ang internal cleansing program ng PNP upang maibalik ang tiwala ng publiko sa institusyon.
0 Comments