Nakaalerto na ang mga Deployable Response Groups (DRGs) ng Philippine Coast Guard (PCG) bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa inaasahang epekto ng malalakas na pag-ulan at posibleng pagbaha ngayong panahon ng tag-ulan.
Ayon sa PCG, naka-deploy na ang mga tauhan at kagamitan sa mga lugar na madalas bahain upang masigurong mabilis ang pagresponde sa anumang emergency. Bahagi ito ng kanilang proactive disaster response measures upang maprotektahan ang kaligtasan ng publiko.
Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na manatiling alerto, sumubaybay sa mga weather bulletin, at agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad kung kinakailangan ng tulong.
0 Comments