Inaayos na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang integrasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa eGov app upang mas mapadali ang pag-check at pagbayad ng mga traffic violations.
Ayon kay DICT Undersecretary Dave Almirol, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maisama ang NCAP system sa naturang app.
"Makikita mo na sa eGov app kung ilan ang violations mo at kahit nasa bahay ka, maaari mo nang bayaran ang multa. May notification din ito at makakatanggap ka ng text message na nagsasabing may violation ka," paliwanag ni Almirol.
Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng isang button sa app na nakalaan para sa penalties, maaaring mapanood ang actual na video ng paglabag mula sa MMDA.
Wala pang itinakdang petsa ang DICT para sa opisyal na paglulunsad ng bagong feature na ito.
0 Comments