Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa, 95% ng mga bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa bansa ay dulot ng pakikipagtalik ng mga lalaki sa kapwa lalaki.
Sa isang panayam, binanggit ni Herbosa, "95% of our new cases are men having sex with men. Hindi siya sa sex worker na babae. It’s from men having sex with men." Ipinahayag din niya na kung hindi agad kikilos ang mga awtoridad at mamamayan, maaari itong magresulta sa pagdami ng kaso ng HIV sa bansa, na tinatayang aabot sa 400,000 katao sa taong 2030.
Ang mga apektadong indibidwal ay kadalasang nasa edad na 15 hanggang 25 taon. Dahil dito, malaki ang halaga ng mga kampanya at edukasyon hinggil sa paggamit ng proteksyon sa pakikipagtalik bilang isang hakbang upang maiwasan ang hawaan ng HIV.
Pinaalalahanan ni Herbosa ang mga tao na ang tamang kaalaman at wastong proteksyon ay susi sa pagpapababa ng mga kaso ng HIV sa bansa.
0 Comments