Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ng Republika ng Pilipinas ang isang high-profile na Japanese fugitive na sinasabing lider ng isang kilalang transnational crime syndicate na kumikilos sa Asia.
Kinilala ang dayuhang suspek bilang si Ryuji Yoshioka, 54 taong gulang, na naaresto sa Angeles City, Pampanga sa tulong ng Philippine Navy at Armed Forces of the Philippines sa Northern Luzon.
Ayon sa BI, si Yoshioka ang itinuturong lider ng #JPDragonSyndicate—isang Japanese criminal organization na sangkot sa malawakang pagnanakaw at telecom fraud schemes sa Southeast Asia.
Tinatayang milyon-milyong dolyar na halaga ang ninakaw ng grupo mula sa kanilang mga biktima.
Tiniyak ng BI na patuloy nitong palalakasin ang seguridad sa mga hangganan at paiigtingin ang mga hakbang upang mapigilan ang mga transnational criminal syndicates na tangkang mag-operate sa bansa.
0 Comments