MAS PINAGKAKATIWALAAN NG MGA PILIPINO SINA FPRRD AT VP SARA KAYSA KAY PBBM
Mas mataas ngayon ang tiwala ng mga Pilipino kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangalawang Pangulo Sara Duterte kumpara kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay batay sa datos mula sa survey na inilabas ng Pulse Asia Research Inc. noong buwan ng Mayo.
Nakakuha ng 63% trust rating si dating Pangulong Duterte, habang si VP Sara ay may 50%. Samantala, si PBBM ay nasa ibabang puwesto na may 32% lamang na trust rating mula sa mga Pilipino.
Ang naturang survey ay isinagawa noong Mayo 6–9 ng kasalukuyang taon, ilang buwan matapos makipagtulungan ang administrasyong Marcos sa Interpol at ICC para ipakulong si dating Pangulong Duterte, at kasunod ng pagsulong ng impeachment case laban kay VP Sara sa Kongreso.
0 Comments