Naghain ng isang resolusyon si 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez na nananawagan ng pagsasagawa ng imbestigasyon sa Mababang Kapulungan kaugnay ng pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Layon ng kanyang resolusyon na masusing suriin ang mga epekto ng polisiya sa mga motorista, kabilang na ang mga isyung legal, teknikal, at panlipunan na kaakibat nito. Iginiit ni Gutierrez na mahalagang mapakinggan ang boses ng mga apektadong sektor upang matiyak na ang polisiya ay makatarungan, epektibo, at hindi nagiging pabigat sa publiko.
0 Comments