DND Secretary Lorenzana Sumakay sa FA-50 Jet, Pinuri ang Kakayahan ng Pambansang Air Asset
Mismong si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang sumubok sa FA-50 fighter jet — ang pangunahing supersonic aircraft ng Philippine Air Force (PAF) — upang personal na maranasan ang galing at kakayahan nito.
Ang FA-50 ay bahagi ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at itinuturing na unang supersonic jet ng bansa simula nang i-retire ang Northrop F-5 Tiger jet fighters noong 2005.
Sa isinagawang Sanay-Datu Air Defense Exercises sa Basa Air Base sa Pampanga, nakisakay si Secretary Lorenzana sa naturang jet bilang bahagi ng isang tactical capability demonstration. Layunin nitong ipakita ang kahandaan ng PAF sa pagdepensa sa kalangitan ng Pilipinas.
Ayon sa kalihim, patuloy ang pagsusumikap ng DND na makabili ng mas maraming multi-role fighter aircraft upang palakasin pa ang kakayahan ng bansa sa pagbabantay at pagprotekta sa ating territorial airspace.
Video courtesy of DND.
0 Comments