Ticker

6/recent/ticker-posts

PH-EU Defense at Security Dialogue, Inilunsad

Inanunsyo ni European Union Vice President Kaja Kallas ang opisyal na pagtatatag ng isang dialogue sa pagitan ng Pilipinas at European Union na tututok sa mga usaping may kinalaman sa depensa at seguridad.

Ayon kay Kallas, layunin ng bagong ugnayang ito na magbigay daan sa mas aktibong pagpapalitan ng kaalaman at karanasan ng dalawang panig sa larangan ng seguridad. Bukod dito, magkakaroon din ng mas maraming joint initiatives o mga pinagsamang proyekto upang palakasin ang regional at global security.

Ipinapakita ng hakbang na ito ang lumalalim na kooperasyon ng Pilipinas at EU sa harap ng mga makabagong banta sa seguridad, kabilang na ang cyber threats, terorismo, at tensiyon sa mga maritime zones.

Post a Comment

0 Comments