Isinusulong ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagsasagawa ng snap elections at iminungkahi rin niya na magbitiw sa puwesto ang lahat ng mga kasalukuyang opisyal ng gobyerno.
Sa isang Facebook post, binigyang-diin ng senador na nawalan na ng tiwala ang taumbayan sa pamahalaan, kaya imbes na umabot sa People Power, mas mainam umano na kusang magsakripisyo at magparaya ang mga lingkod-bayan.
“Dahil ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa radikal na katapatan — at sa tapang na amining oras na para magbigay-daan,” ani Cayetano.
0 Comments