Target ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na simulan na ang rehabilitasyon ng mga nasirang gusali at imprastraktura sa Cebu matapos ang magnitude 6.9 na lindol nitong Lunes.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, sisikapin nilang masimulan ngayong linggo ang permanenteng pagkukumpuni sa mga apektadong imprastraktura.
Tinatayang P2.5 bilyon ang inilaan para sa pagkukumpuni ng mga nasirang kalsada at tulay, ngunit hindi pa kabilang dito ang kabuuang gastos sa mga napinsalang paaralan at ospital sa lalawigan.
Ipinaliwanag din niya na ito ang dahilan kung bakit maaaring tumaas pa ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga susunod na araw.
Samantala, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 713 na imprastraktura ang nasira sa Central Visayas, bukod pa sa 18,154 na kabahayan sa rehiyon.
0 Comments