Nanawagan si Congressman Elpidio Barzaga Jr. na magbitiw sa tungkulin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa kongresista, tatlong taon nang ipinapakita ng taumbayan ang umano’y “kapalpakan” ng administrasyon — mula sa tensyon sa West Philippine Sea hanggang sa sinasabing P200 bilyong anomalya sa flood control project na umano’y kinasasangkutan ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Ibinunyag din niya na may plano umano ang kampo ni Marcos na patahimikin siya sa pamamagitan ng Ethics Committee ng Kamara at sa pagsasampa ng mga kaso laban sa kanya.
“Handa akong mamatay, makulong, o makalimutan — basta’t hindi ko ipagkakanulo ang bayan,” pahayag ni Barzaga.
Hamon pa ng kongresista ang AFP, PNP, mga reservists at ang taumbayan na simulan ang isang bagong People Power Movement sa Oktubre 12, 2025.
0 Comments