Ticker

6/recent/ticker-posts

Borbon, Cebu, niyanig ng 4.6 magnitude na lindol



Niyanig ng 4.6 magnitude na lindol ang Barangay Don Gregorio Antigua sa bayan ng Borbon, Cebu kaninang alas-5:41 ng hapon, Sabado, Oktubre 4, 2025.

Batay sa ulat ng mga residente, naramdaman ang malakas na pag-uga sa ilang bahagi ng bayan, subalit wala namang napaulat na pinsala o nasugatan sa insidente.

Makikita sa CCTV footage mula sa lugar ang aktwal na pagyanig habang nagaganap ang lindol.



Patuloy na minomonitor ng Phivolcs ang lugar para sa posibleng mga aftershock.

Post a Comment

0 Comments