Arestado ang limang indibidwal, kabilang ang isang ama at dalawa nitong anak, sa isinagawang operasyon sa isang drug den sa Brgy. Dinalupihan, Bataan.
Nahuli rin ang magkasintahang naaktuhang kasama ng mag-ama habang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa loob ng nasabing drug den.
Narekober mula sa mga suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱65,000.
Sasampahan sila ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
0 Comments