Handang sumunod ang Commission on Elections (COMELEC) sakaling magkaroon ng batas na mag-uutos ng snap elections.
Ito ang naging tugon ng poll body matapos ang mungkahi ni Senador Alan Peter Cayetano na magbitiw sa puwesto ang mga kasalukuyang opisyal at magsagawa ng snap elections.
Sa programang Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag ni COMELEC Spokesperson Dir. John Rex Laudiangco na walang kapangyarihan ang COMELEC na magdesisyon hinggil dito, ngunit handa silang sumunod kung magpapasa ng batas ang Kongreso para ipatupad ito.
Bilang halimbawa, binanggit ni Laudiangco ang snap elections noong 1986, na isinagawa lamang matapos ipasa ang isang batas na nag-utos sa COMELEC na isagawa ito.
Dagdag pa ng opisyal, hinihiling ng COMELEC ang sapat na panahon upang mapaghandaan ang maayos na halalan — kabilang dito ang procurement ng automated election system, pagproseso sa mga posibleng kuwestiyon sa certificate of candidacy (COC), at pag-iimprenta ng mga balota.
0 Comments