"ANG DEPRESSYON AY HINDI BIRUIN": TRAHEDYA SA ISANG INA AT KANYANG MGA ANAK
Isang nakakapangilabot at napakasaklap na insidente ang yumanig sa publiko kamakailan, kung saan tatlong bata ang nawalan ng buhay sa isang trahedyang pinaniniwalaang sanhi ng matinding depresyon ng kanilang ina. Sa isang iglap, nabalot ng kadiliman ang isang tahanan matapos maganap ang hindi inaasahang pangyayari.
Ayon sa ulat, nakunan umano ng CCTV ang buong insidente—makikita rito ang ina habang binubuhusan ng thinner gas ang kanyang mga anak bago ito sinilaban. Agad itong naging laman ng balita at nagdulot ng matinding pagkabigla at dalamhati sa publiko.
Matapos ang karumal-dumal na ginawa, hindi rin kinaya ng ina ang bigat ng kanyang nagawa, kaya’t nagpakamatay rin umano siya. Hinihinala ng mga imbestigador at ng mga taong malapit sa kanya na matinding depresyon ang nagtulak sa ina upang magawa ito sa sarili niyang mga anak—isang desperadong hakbang na bunga ng sakit na hindi nakikita ng mata.
Ang insidenteng ito ay isang masakit na paalala sa atin na ang depresyon ay isang seryosong kondisyon—hindi ito simpleng lungkot, hindi ito drama, at higit sa lahat, hindi ito dapat balewalain. Maraming tao ang araw-araw na lumalaban sa katahimikan, dala ang bigat ng emosyonal at mental na pasanin na hindi nila maibahagi sa iba.
Ngayong panahon na laganap ang mental health struggles, mahalaga ang pakikinig, pag-unawa, at suporta. Isang simpleng kamustahan, pakikipag-usap, o pakikinig lang ay maaaring makapigil sa isang ganitong uri ng trahedya.
Sa huli, panawagan ito sa lahat: Maging mapagmatyag. Maging maunawain. At higit sa lahat, maging sandigan sa panahon ng pangangailangan. Dahil minsan, ang mga nakangiti sa labas ay may dinadala palang sakit na hindi natin alam.
0 Comments