Ito ang malinaw at diretsahang pahayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nang tanungin siya kung bukas pa rin ba siyang makipag-ayos sa pamilya Duterte, kabilang na si Pangalawang Pangulo Sara Duterte, sa gitna ng lumalalim na tensyon sa pulitika.
Sa isang panayam, iginiit ng Pangulo na hindi siya nananawagan ng alitan, kundi ng pagkakaisa. “Ayoko ng gulo. Gusto ko makasundo ang lahat ng tao,” wika niya. “Mas maganda kung lahat tayo ay nagkakaunawaan. Marami na akong nakaalitan, hindi ko na kailangan ng dagdag na kaaway. Ang kailangan ko ngayon ay kaibigan.”
Ang kanyang pahayag ay tila pagpapalambot sa lumalalim na hidwaan sa pagitan ng administrasyon at ilang miyembro ng pamilya Duterte, na kamakailan lamang ay naglabas ng mga matitinding pahayag laban sa kasalukuyang pamahalaan.
Sa kabila nito, nananatili si Marcos Jr. sa paninindigang ang pagkakaunawaan at pakikipagtulungan ang siyang susi upang makamit ang mas maunlad at matatag na bansa. Para sa Pangulo, mas mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaibigan at pagkakaisa kaysa sa patuloy na sigalot sa politika.
0 Comments