Tinuldukan na ni Manny Pacquiao ang lahat ng spekulasyon matapos niyang kumpirmahin ang nalalapit niyang laban kontra sa Amerikanong propesyonal na boksingero na si Mario Barrios nitong Miyerkules ng gabi sa isang Facebook post.
Si Pacquiao, 46 taong gulang, ay naghayag ng "I'm back" habang ibinabahagi ang opisyal na poster ng laban sa pagitan nila ni Barrios.
"Sa Hulyo 19, babalik ako sa ring upang harapin ang WBC Welterweight Champion na si Mario Barrios sa MGM Grand sa Las Vegas," ani Pacquiao.
"Mag-ukit tayo ng kasaysayan!" dagdag pa niya.
0 Comments