Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Martes na mananatiling masusustentuhan ang P20 kada kilong bigas na programa ng kanyang administrasyon hanggang sa taong 2028, taliwas sa mga batikos na ito raw ay panandalian lamang.
Ayon sa Pangulo, ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng hakbang upang mapanatili ang abot-kayang presyo ng bigas sa mga mamamayan, kabilang ang pagpapalakas ng lokal na produksyon, tamang pag-aangkat, at tuloy-tuloy na suporta sa mga magsasaka.
Dagdag pa ni Marcos, ang programang ito ay bahagi ng pangmatagalang layunin ng gobyerno na tiyakin ang seguridad sa pagkain at maibsan ang pasanin ng taumbayan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.
0 Comments