Kumakalat ngayon sa social media, partikular sa Facebook, ang isang fake news o maling impormasyon na nagsasabing magkakaroon umano ng karagdagang Grade 13 sa Senior High School simula sa darating na School Year 2025–2026.
Nais pong linawin ng Department of Education (DepEd) na ang naturang balita ay hindi totoo at walang batayan. Wala pong anumang opisyal na pahayag o anunsiyo mula sa ahensya tungkol sa pagdaragdag ng isa pang antas sa Senior High School.
Mahigpit naming pinaaalalahanan ang publiko na huwag basta-bastang maniwala o magbahagi ng mga impormasyong hindi nagmumula sa mga lehitimong sanggunian. Ang ganitong uri ng misinformation ay maaaring magdulot ng kalituhan, pangamba, at pagkalito lalo na sa mga magulang, estudyante, at mga guro.
Upang makatiyak na tama at totoo ang inyong nakukuhang impormasyon, magsagawa ng fact-checking at palaging i-verify ang mga balita sa pamamagitan ng mga opisyal na channels lamang.
Para sa mga lehitimo, opisyal, at napapanahong anunsiyo at impormasyon ukol sa basic education, bisitahin lamang ang mga verified social media accounts at website ng DepEd Philippines:
🔹 Facebook: DepEd Philippines
🔹 Twitter: @DepEd_PH
🔹 Website: www.deped.gov.ph
Maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon. Sa panahon ngayon, ang pagiging mapanuri ay isang mahalagang sandata laban sa pagkalat ng maling balita.
0 Comments