Header Ads Widget

Nanawagan ang South Korea sa Pilipinas na tiyakin ang kaligtasan ng mga bumibisitang mamamayan nito



Nanawagan ang Embahada ng South Korea sa pamahalaan ng Pilipinas na paigtingin ang seguridad para sa mga bumibisitang Koreano, sa gitna ng mga ulat ng mararahas na krimeng tumatarget sa kanila.

Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), nakipagpulong ang ilang opisyal mula sa Embahada ng Republic of Korea at United Korean Community Association in the Philippines sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) upang talakayin ang isyu.

"Nanawagan si G. Sang Seung-man, Deputy Chief Mission at Consul General ng Embahada ng Republic of Korea, sa mga awtoridad ng pamahalaang Pilipino na magpatupad ng mas matinding hakbang para tiyakin ang kaligtasan ng mga Koreano sa bansa, residente man o turista, sa harap ng lumalalang mararahas na krimen laban sa kanila," ayon sa pahayag ng PCO noong Sabado, Mayo 17.

Iminung kahi ni Sang ang mas pinaigting na internasyonal na kooperasyong pulisya at mas epektibong sistema ng pangangalap ng impormasyon.

Tiniyak naman ng PAOCC, sa pangunguna ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na patuloy ang kanilang pagtutok sa paglutas ng mga krimeng ito.

Ayon kay PAOCC Executive Director Gilberto DC Cruz, plano nilang paigtingin ang "Tourist Security Desk" upang madagdagan ang presensya ng pulisya sa mga lugar na dinarayo ng mga turista.

Dagdag pa ng PCO, mas tututukan din ang seguridad sa ilang pangunahing lugar gaya ng Angeles City, Maynila, at Cebu.

Post a Comment

0 Comments