Sumiklab ang isang malaking sunog sa isang residential area sa kahabaan ng Anonas Street, Road 12, Santa Mesa, Maynila nitong Lunes ng hapon, Mayo 19.
Batay sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot ang sunog sa ikaapat na alarma pagsapit ng 4:30 ng hapon, hudyat ng matinding lebel ng insidente na nangangailangan ng mas maraming pwersa at kagamitang pamatay-sunog.
Patuloy pa rin ang pagdating ng mga fire truck sa lugar upang apulahin ang lumalakas na apoy at pigilan ang pagkalat nito sa mga karatig na kabahayan at estruktura. Wala pang pinal na ulat hinggil sa sanhi ng sunog at kabuuang lawak ng pinsala habang nagpapatuloy ang firefighting at rescue operations sa lugar.
0 Comments