Ticker

6/recent/ticker-posts

CHINESE NATIONAL AT KASABWAT, HULI SA ₱6.9B SHABU BUY-BUST



Nasamsam sa magkakasunod na anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasama ang PNP, NICA, at AFP Counterintelligence Group sa Pangasinan ang mahigit ₱6.9 bilyon na halaga ng shabu na tumitimbang ng mahigit 1.02 tonelada.

Noong Oktubre 2, nakumpiska ang 125 kilo ng shabu na nakalagay sa mga tea bag na nagkakahalaga ng ₱850 milyon sa isang buy-bust operation sa Olongapo-Bugallon Road, kung saan naaresto ang isang Chinese national at ang kanyang kasamang Filipino.

Kinabukasan, nakumpiska naman ang mahigit 895 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱6.08 bilyon sa isang warehouse sa Brgy. Laois, Labrador, Pangasinan. Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, ang nasabing pasilidad ay ginagamit ng mga suspek at nakahanda na sanang ipadala ang droga patungong Metro Manila.

Ipinaliwanag ni Nerez na ang mga tea bag ay may Chinese markings, na indikasyon ng koneksyon sa international drug syndicates. Tiniyak din niya na agad sisirain ang mga nakumpiskang droga upang maiwasan ang tinatawag na drug recycling.

Ayon sa PDEA, ang tagumpay ng operasyon ay bunga ng matatag na kooperasyon at pagkakaisa ng iba’t ibang law enforcement agencies.







Post a Comment

0 Comments