Pinalawak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang Z Benefits nito para sa orthopedic implants upang makatulong sa mga biktima ng 6.9 magnitude na lindol na tumama sa Cebu City.
Pinangunahan ni Acting President at CEO Dr. Edwin M. Mercado, na isa ring orthopedic surgeon, ang pag-apruba sa mga kinakailangang policy adjustments upang matiyak na makatatanggap agad ng tulong ang mga pasyente sa pamamagitan ng zero co-pay o walang dagdag na bayad.
Kasabay nito, nagpahayag ng buong suporta ang Philippine Orthopaedic Association (POA) at ang Private Hospital Association of the Philippines (PHAPi) sa pagbibigay ng surgical services at hospital care sa mga biktima ng naturang lindol.
Sa ilalim ng bagong patakaran, mas maraming ospital ang bibigyan ng provisional accreditation, papayagan ding mag-operate ang mga accredited doctors kahit sa labas ng kanilang pasilidad, at bibigyan ng hanggang 120 araw ang mga ospital upang makapaghain ng claims para sa retroactive coverages.
Tiniyak din ng PhilHealth na lagi silang handang tumugon sa anumang krisis at patuloy na makikipagtulungan sa mga health care professionals at pasilidad upang maibigay ang agarang tulong sa mga nangangailangan.
0 Comments