Ticker

6/recent/ticker-posts

MENOR DE EDAD, NATAGPUANG PATAY SA LOOB NG SEMENTERYO



Mati, Davao Oriental — Patay na natagpuan ang isang menor de edad sa loob mismo ng public cemetery sa Barangay Sainz, Mati City, Davao Oriental.

Kinilala ng Mati City Police Station ang biktima sa alyas na “Jisie,” 17 taong gulang, residente ng nasabing lungsod.

Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, nagtamo ang biktima ng dalawang sugat sa leeg na siyang naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa krimen, at mayroon na ring person of interest na tinitingnan na posibleng responsable sa insidente.

Nanawagan din ang mga awtoridad sa sinumang may impormasyon tungkol sa krimen na makipagtulungan agad upang maihatid ang hustisya para sa biktima.

Post a Comment

0 Comments