Miyuki, “BAYANING ASO” sa pagsasalba ng landslide victims sa bukidnon



Isang rescue dog na si Miyuki, na kilala sa kakaibang marka na kahawig umano ng alamat ng “witch dog” sa Pilipinas, ang nanguna sa matagumpay na paghahanap sa kinaroroonan ng mag-asawang natabunan ng landslide sa Barangay Palacapao, Quezon, Bukidnon.

Ibinahagi ni Opol Mayor Jay Bago ang balita at pinuri sina Miyuki at ang kanyang handler na si Dionisio Montemayor Jr. dahil sa mahalagang papel nila sa operasyon. Kasama rin ni Miyuki ang iba pang search and rescue dogs na sina Venom, Bella, at Paul, gayundin ang Opol Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Dahil sa koordinadong pagtutulungan ng K9 team, matagumpay na natunton ng mga rescuer ang lokasyon ng mga biktima — dahilan upang mapuri ang kanilang dedikasyon at pagkakaisa sa gitna ng mahirap na operasyon.











📸 Municipality of Quezon Bukidnon, Mark Yaba via Jay Bago

Comments