PNP Chief Nartatez, Iniutos ang Crackdown sa Ilegal na Pabrika ng Paputok



Iniutos ni Philippine National Police (PNP) Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mas mahigpit na operasyon laban sa mga ilegal at hindi awtorisadong pagawaan ng mga paputok kasunod ng naganap na pagsabog sa isang pabrika sa Norzagaray, Bulacan kamakailan.

Ayon sa ulat, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon at nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa Bureau of Fire Protection (BFP), iba pang ahensya ng pamahalaan, at sa lokal na pamahalaan upang suriin kung may sapat na permit at sumusunod sa mga regulasyon ang naturang pagawaan.

Batay sa paunang ulat ng mga awtoridad, dalawa ang nasawi sa insidente, kabilang ang 50-anyos na may-ari ng pabrika at isang 15-anyos na menor de edad na kapitbahay lamang ng lugar.

Comments