Ticker

6/recent/ticker-posts

Posibleng pagputok ng Bulkang Taal, ikinababahala kung tumama ang “The Big One”



Ang kinatatakutang “The Big One” o magnitude 7.2 na lindol ay posibleng maging sanhi ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas kung ito ay tatama sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang The Big One ay isang napakalakas na lindol na maaaring mangyari kapag gumalaw ang Marikina Valley Fault System, na dumadaan mula sa Doña Remedios Trinidad sa Bulacan hanggang sa Canlubang, Laguna.

Batay sa isang pag-aaral noong 2004, tinatayang aabot sa 33,500 ang maaaring mamatay sa Metro Manila, at mahigit 48,000 kung isasama ang mga kalapit na lalawigan sakaling mangyari ang naturang lindol.

Sa isang media forum kahapon sa Quezon City, ibinunyag ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol na ang The Big One ay may potensyal na magpasabog sa Bulkang Taal dahil sa paggalaw ng fault line.

Ayon pa sa kanya, ang magiging epekto nito ay maihahalintulad sa malakas na pagsabog ng Taal Volcano noong 2020.

Post a Comment

0 Comments