Sinuspinde ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon hinggil sa umano’y mga iregularidad sa mga proyekto sa flood control.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, wala munang isasagawang pagdinig sa susunod na linggo matapos malaman na hindi pa handa ang mga dokumentong hinihingi mula sa Department of Justice (DOJ) at Manila Regional Trial Court (RTC).
Nabatid na ang panel hearing ay orihinal na itinakda sa Oktubre 8 batay sa kahilingan ni Senador JV Ejercito upang ipatawag si dating DPWH Regional Director IV-B Engr. Gerald A. Pacanan.
Dagdag pa rito, magkakaroon din ng sabayang pagdinig para sa budget deliberations at Commission on Appointments (CA), dahilan upang magkasabay at magkasalungat ang iskedyul ng panel.
0 Comments