Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na pag-aari ng isang kilalang politiko ang compound kung saan nahuli ang 7 pulis na itinuturing ngayong persons of interest sa pamamaril kay Albuera, Leyte mayoralty candidate KerwinEspinosa.
Tumanggi naman si PNP Public Information Office Chief Police Col. Randulf Tuaño na pangalanan ang naturang politiko dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon.
Aniya, sa ngayon nag-aplay ng search warrant ang PNP sa korte upang mahalughog ang mga sasakyang pinaniniwalaang sinakyan ng mga pulis matapos ang pamamaril.
0 Comments