Umakyat na sa 14 ang kumpirmadong kaso ng Monkeypox o Mpox sa Rehiyon-12, batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH-12).
Ayon sa DOH, patuloy ang kanilang masusing pagsusuri at contact tracing upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa iba pang bahagi ng rehiyon. Naglabas na rin sila ng paalala sa publiko na maging mapagmatyag, iwasan ang malapitang kontak sa mga may sintomas, at agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health facility kung may nararamdamang kakaiba sa katawan.
Pinayuhan din ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan na palakasin ang kanilang health surveillance systems at tiyaking may sapat na impormasyon ang mga komunidad tungkol sa mga sintomas, paraan ng pagkalat, at pag-iwas sa Mpox.
0 Comments