Kinumpirma ng Department of Health (DOH) sa Negros Island Region na dalawang katao ang nasawi dahil sa sakit na glanders sa lalawigan ng Siquijor.
Ayon sa ulat ng DOH, iniimbestigahan na nila ang pinagmulan ng impeksyon at patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad upang pigilan ang posibleng pagkalat ng naturang sakit. Ang glanders ay isang bihirang bacterial infection na karaniwang naipapasa mula sa mga hayop, partikular ang kabayo, sa tao.
Naglabas na rin ng babala ang ahensya sa publiko hinggil sa pakikisalamuha sa mga hayop na may sintomas ng sakit at hinihikayat ang agarang pagpapatingin sa doktor sakaling makaranas ng mga kahina-hinalang sintomas. Patuloy na binabantayan ng DOH ang kalagayan sa Siquijor upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
0 Comments