"Walang magiging abala, puro upgrade lang"—ito ang mensahe ni Jose Ramon Aliling, ang bagong talagang Kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), sa kanyang pormal na pag-upo sa puwesto nitong Lunes sa isinagawang turnover ceremony.
Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Secretary Aliling na magpapatuloy ang mga kasalukuyang programa ng ahensya, ngunit mas paiigtingin pa ito upang makapaghatid ng mas episyente at makabagong serbisyo sa mga mamamayan.
Ayon sa kanya, layunin ng kanyang pamumuno na gawing mas inklusibo, maayos, at makatao ang mga pabahay at urban development projects ng pamahalaan. Idinagdag niya na ang pag-upgrade sa mga proseso at teknolohiya ng DHSUD ay bahagi ng kanyang pangakong gawing mas responsive ang ahensya sa mga pangangailangan ng publiko.
Kabilang sa mga plano ni Aliling ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya at sektor upang mas mapaigting ang housing programs ng pamahalaan para sa mga mahihirap at informal settlers.
0 Comments